Nakikiisa ang Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong buwan ng Marso, alinsunod sa Republic Act 6949 (1990).

Sa lahat ng pagkakataon, kinikilala ng PS-DBM ang husay at tibay ng kababaihan.

Ayon sa inilabas na Memorandum Circular No. 2022-01 ng Philippine Commission on Women (PCW), ang deklarasyon ng women’s month ay naglalayong kilalanin ang mga gampanin at kontribusyon ng kababaihan sa positibong pagbabago ng bansa. Nais din nitong paigtingin ang implementasyon ng Magna Carta for Women sa lahat ng antas upang siguruhin na ang kababaihan ay aktibong nag-aambag at nakikinabang sa pag-unlad.

Bilang suporta, patuloy ang PS-DBM sa pagsasagawa ng mga programa upang itaguyod ang gender and development (GAD) sa ahensya. Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, tiyak ang sektor ng kababaihan sa opisina — sa hanay man ng mga empleyado o ng kanilang pinagsisilbihang client-agencies — na ganap ang kalayaan nila sa pagdedesisyon, paglalahad ng saloobin, at pagsusulong ng kolektibong aksyon bilang tugon sa mga isyung kanilang kinasasangkutan.

Kaakibat ng PWC, desidido ang PS-DBM na panatilihin ang gender equality sa mga kawani nito. Buong pagmamalaki nitong kinikilala ang potensyal ng kababaihan bilang mga lider hindi lamang sa trabaho kundi pati sa ibang aspeto.

Sama-sama nating protektahan ang karapatan ng kababaihan, gibain ang diskriminasyon, at patunayang hindi ka babae lang, babae ka.

Hindi sinisino, hindi binabasta-basta. Juana, angat ka!

Tingnan ang mga inihandang collaterals and digital publication materials ng PWC rito: bit.ly/2022nwmccollaterals

Back to Top