Matapos aprubahan ng Government Procurement Policy Board (GPPB), sa pamumuno ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary at GPPB Chairperson Amenah F. Pangandaman, ang mga bagong Standard Forms for Procurement, tuluyan nang nagsimula ang three-year transitory period ng lahat ng procuring entities upang ganap na sumunod sa Republic Act No. 12009 o New Government Procurement Act (NGPA) at Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Ang pag-apruba ng GPPB Resolution No. 03-2025 ay nangyari sa isang pagpupulong noong May 14, 2025 na pinangunahan ni Undersecretary Janet Abuel, Alternate Chairperson at kinatawan ni Sec. Pangandaman sa GPBB, kasama si PS-DBM Executive Director Genmaries “Gen” Entredicho-Caong at iba pang opisyal. Nangangahulugang mula sa petsang iyon magsisimula ang bilang hanggang tatlong taon. Samantala, ang mismong paggamit ng mga bagong standard forms ay nakatakdang ipatupad 90 days mula June 23, 2025, kung kailan isinapubliko ang parehong resolusyon.
Ang pagsasabago ng mga standard forms ay alinsunod sa mga amyenda sa batas upang siguruhing tugma ang mga ito sa mga probisyon ng NGPA. Kabilang dito ang Market Scoping Form; Project Procurement Management Plan; Annual Procurement Plan; Philippine Bidding Documents (PBD) for Goods, Infrastructure Projects, Consulting Services; at PBD-Related Forms.
Inaasahang mas mapapadali ng mga bagong standard forms ang procurement documentation dahil tiniyak ang uniformity at consistency ng mga dokumento. Hatid din ng mga ito ang efficiency, accountability, at transparency sa pagbili ng gobyerno na sila ring pangunahing prinsipyo ng NGPA.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Pangandaman na “crucial step” ang standardization of procurement forms and documents sa pag-streamline ng mga sistema’t proseso. Handa naman ang PS-DBM na humalili sa maigting na pagpapatupad ng NGPA and its IRR, kabilang ang paggamit nitong mga bagong standard forms sa procurement.
I-download ang kopya ng GPPB Resolution No. 03-2025 dito:
https://www.officialgazette.gov.ph/.../approving-the.../
I-download ang kopya ng mga bagong standard forms dito:
https://www.gppb.gov.ph/downloadable-forms/
#OnePSDBM
#ProcurementAndService
#ProcureProcureProcure